Martes, Setyembre 25, 2012

Pag-ibig ng Diyos


Panginoon tunay ngang ika’y mabuti
Panginoon tunay ngang ika’y dakila
Salamat sa pag-ibig mong walang hanggang
Salamat sa pag-ibig mong walang kapantay

Walang pag-aalinlangan sa’yo kami ay panatag
Aming panalangin ay iyong tinugon
Kami ay iniligtas sa wagas na kasalanan
Dakila ka Oh Yahweh!
Ang pag-ibig mo ay maghahari hanggang wakas…

Ikaw ang aming ilaw na nagbigay liwanag
Ikaw ang nagbigay saya sa aming kalungkutan
Salamat sa kalakasan, salamat sa paggabay
Mahal kita Panginoon! Tanging ang pag-ibig mo ang aming kailangan

Dakila ka Diyos!
Dakila ka Oh, Yahweh!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento